Tuesday, February 13, 2007

remember the TULA! pls.. haha..

PUNO

Punong puno ng sigla
Sa hangi'y palumba lumba
Daho'y nalalag-lag isa isa
Wari'y silang masayang masaya

Diyos ko sila'y dumadalangin
Sa iyo buong araw naka tingin
Nawa'y sila'y wag putulin
Upang tayo'y may sariwang hangin
INA

Ako'y masaya sa aking ina
Na labis na naghirap sa aking matrikula
Gabi't umaga hindi nagpapahinga
Pati mga relo at alahas at isinangla

Pag-aaral ko ay binabantayan
Libro at asignatura ako'y tinutulungan
Yan si ina lagging maasahan
Lahat ng bagay pinupunuan
SIRA

Ang mundo ko'y malupit
Kapatid na kung tawagin ay ipinagkait
Si kuya't bunso'y hindi pinilit
Masayang pamilya hindi nakamit

Bakit ganito ang aking nasapit
Buhay na malungkot ang siyang kumapit
Buti't amang lumikha ay mabait
Maraming kaibigan siyang pinalit
BABAE

Sa iyo ako'y nakatitig
Kagandaha'y ako'y naakit
Puso ko'y lagging kinakalabit

Sana ika'y makamtan
Babaeng sa puso ko'y naglalaman
Bagyo ma'y hindi kayang pigilan
Sa babaeng aking hinahangaan
MALI

Isang babaeng maganda
Palakad-lakad sa kusina
Ng siya'y aking tanungin
Ang maganda, si ate pala

Gwapong umiinom sa kanto
Palingon-lingon sa kung kanino
Ng siya'y aking titigan
Si kuya pala ang nasa tindahan

1 Comments:

Blogger Chacha said...

anong kalokohan ito? heheh! jk ;p

Wed Feb 14, 02:04:00 PM  

Post a Comment

<< Home